Pagkamit sa Layunin

Ika – 20 ng Setyembre taong 2015

     Ang aming adbokasiya na “Mga Nalalaman sa ating Wika at Kultura, Ipamahagi sa mga Batang laking Bahay-Ampunan” ay aming naipatupad. Araw ng linggo ng magpunta kami sa SOS Children’s Village na matatagpuan sa Banay banay Lipa City. Nakilala namin ang mga bata na balak naming turuan at bigyang pansin. Mga pito hanggang siyam na gulang ang bata na aming nakilala. Naging mahiyain ang mga bata subalit alam namin na sa umpisa lamang iyon mararamdaman ng mga bata. Nagsimula ang gaming aktibidad bandang tanghali, 1:00 pm at nagtapos naman saktong 4:00 pm. Tinuruan namin ang mga bata pagdating sa kasaysayan at wika ng bansang Pilipinas. Hindi nagging mahirap ang pagtuturo sa mga bata dahil lahat sa kanila ay nakikinig ng mga mabuti at halata na sila ay interesado na matuto pagdating sa ating bansang Pilipinas. Natutunan nila ang mga pinanggalingan ng wika lalo na ang mga nasabing teorya ng wika pati na din ang gamit ng wika.
     
     Matapos ang gaming pagtuturo sa mga bata nagkaroon kami ng ilang palaro gaya na lamang ng Pinoy Henyo at pati na din ang mga grupo grupong palaro kung saan silay magbubuo ng mga larawan na may kaugnayan sa bansang Pilipinas. Lubos ang saya sa muka ng mga bata. Nakakatuwang pagmasdan at isipin na natututo sila at nagsasaya kahit na sa saglit na oras lamang. Binigyan namin ng mga papremyo ang mga batang nanalo sa aming mga palaro. Lubos ang pasasalamat nila sa amin. Ang mga batang dating mahiyain ay mas nagging malapit na sa amin.

     Pagkatapos ng ilang mga palaro ay nagpakain na din kami sa mga bata. Naghanda kami ng mga tinapay at inumin para sa mga bata. Mukang nagutom ang mga bata sa mga aktibidad at palaro pero nakita din naman namin sa kanilang mga muka ang pagkatuwa. Alas kwatro na ng matapos ang aming programa.  Namaalam na kami sa mga bata at namigay ng ilan pang mga papremyo. Halo halo ang pakiramdam na naramdaman namin matapos ang programa. Napakasaya sa pakiramdam na makita silang masaya. Subalit nakakalungkot rin dahil iiwan na namin sila. Inisip na lamang namin na hindi man siguro bukas pero paniguradong mauulit muli ang ganitong pangyayari sa aming buhay. Nawa ay magkatagpo tagpo ulit kami ng mga bata at naway nasa isip at puso pa din nila ang aming itinuro pagdating sa kasaysayan at wika ng bansang Pilipinas.