Ika- 19 ng Setyembre taong 2015
Naaprubahan
ng namumuno sa SOS Children’s Village ang aming sulat. Lubos akong natuwa dahil
makakamit ko na ang pagtulong sa mga bata na noon ko pang pinangarap. Hindi
lamang ako ang nagalak subalit ang aking mga kagrupo din. Inumpisahan na namin
ang aming plano sa pamimili ng mga kailangan para sa mga aktibidad. Namili kami
ng mga panulat at mga papel na maaring gamitin ng mga bata. Nagsulat kami sa isang malaking papel ng mga
leksyon na ituturo namin sa mga bata. Namili din kami ng mga papremyo upang mas
ganahan ang mga bata na making at makisama sa mga palaro at aktibidad. Nag
ambagan din kami para sa kaunting meryenda ng mga bata. Na kumpleto na ang
aming mga kailangan at handa na kami na makilala at salubungin ang mga bata.

