Ika- 15 ng Setyembre taong 2015
Napili ng aming grupo ang SOS Children’s Village kung
saan gaganapin ang aming adbokasiya. Ito ay matatagpuan sa Banay banay Lipa
City. Sumulat ang aming grupo sa SOS Childrens Village na naglalaman ng aming
adbokasiya at mga aktibidad na nais naming ipamahagi sa mga bata sa SOS Children’s
Village. Nakasaad din sa sulat kung kalian namin balak gawin at kung ilang taon
ang bata na nais naming turuan. Nang
makausap namin ang isa sa namumuno sa SOS Children’s Village nabanggit niya na
hindi na daw nila tinatawag na bahay ampunan ang nasabing institusyon subalit tinatawag
na daw nila itong bahay ng mga bata. Nang marinig namin iyon mula sa namumuno
kami ay natuwa sa kung paano nila itinuturing ang mga bata sa SOS Children’s
Village. Mula sa mga narinig namin mas lalo kaming naengganyo na mag patupad ng
mga aktibidad upang makatulong kami sa mga bata mula sa SOS Children’s Village.
Hindi nagging madali ang pag apruba nila sa aming sulat
sa kadahilanang maraming mga sulat at aktibidad pa ang nagiintay sa mga bata.
Hindi naman iyon nagging masama sa aking pakiramdam dahil lubos ko naming naisip na marami pa palang
tao ang gusting tumulong sa mga bata na halos wala ng magulang.
Nakakatuwang
isipin na may mga tao padin gaya ng mga tauhan sa SOS Childrens Village na
walang inisip kundi ang kapakanan at kasiyahan ng mga bata. Sa mga oras na ito
naisip ko na hindi talaga kami nagkamali sa aming piniling adbokasiya.
