Kasaysayan ng Wika

     Noong 1936, itinatag ni Pangulong Manuel Quezon ang Surian upang mamuno sa pag- aaral at pagpili sa wikang pambansa. Makalipas ang isang taon, noong 1937 ay inatasan ni Pangulong Manuel Quezon na Tagalog ang itawag sa ating wika. Hinirang din siyang “Ama ng Wikang Pambansa.” Noong 1959, nagpalabas si Kalihim Jose E. Romero ng kautusan na nagsasaad na “Pilipino” ang itawag sa ating wika. Noong panahon naman ng rebolusyonaryong gobyerno sa ilalim ni Pangulong Corazon Aquino, muling nagbago ang karampatang katawagan sa ating wika. Mula sa pagbabago ng konstitusyon noong 1897, ito ay tinawag na “Filipino” at dapat itong payabungin.

Panimula

     Ang bahay-ampunan ay tahanan ng mga paslit na walang kinagisnang pamilya, kundi ang mga iginagalang na nakakatanda at mga tagapamahala ng ampunan. Maaaring ang mga bata na nakatira dito ay hindi masyadong natututukan sa kanilang pag-aaral, lalo na ang tungkol sa ating wika. Kung kaya't kami, ang mga proponents ng proyektong ito, ay nagnanais na ibahagi ang aming kaalaman ukol sa history ng ating wika, pati na rin ang magsagawa ng iba't ibang aktibidades upang maisali sa diskusyon ang mga bata.

     Ang mga isyu na nagtulak sa amin upang isagawa ang proyektong ito ay ang kawalan ng interes ng mga kabataan ngayon kung gaano kahalaga ang ating wika at ang pinagmulan nito. Nais naming unahin ang mga bata sa bahay-ampunan, sapagkat alam namin na mayroon na silang mumunting kaalaman ukol sa ating wika, dahil natuturuan naman sila ng mga tumatayong guro sa kanilang tahanan.

     Nais naming palaguin pa ang kanilang nalalaman nang sa gayon ay lalo nilang mahalin at pahalagahan ang ating wika lalong lalo na ang kulturang Pilipino. Ilan lamang ito sa mga bagay na gusto naming maituro sa mga bata sa bahay-ampunan. Ang mga ito ay isang magandang hakbang upang maipalaganap ang kahalagahan ng wikang Filipino.

Layunin

Ika – 15 ng Agosto taong 2015

     Napagusap-usapan ng grupo namin kung ano ang magandang adbokasiya na maari naming gawin upang makatulong sa pagpapaunlad ng wika at kultura ng ating bansa. Tumatak saming isipan ang mga batang nasa bahay-ampunan at napagisipan namin na sila ang mga batang maari nating pagtuunan ng pansin. Napagtanto namin na hindi lang mabuting asal ang maari nilang matutunan subalit maging ang kasaysayan at wika ng ating bansang Pilipinas.  Ipapamahigi namin sa kanila ang aming nalalaman pagdating sa kasaysayan at wika ng bansa na maari nilang baunin hanggang sa silay maging matagumpay sa buhay. Malungkot mang isipin na ang ilan sa kanila ay wala ng mga tunay na magulang, dito man lang mapakita namin na sa kanila ang kahalagahan ng bawat isa hindi lamang sa amin kundi sa pagpapaunlad ng ating bansang Pilipinas. 

Unang hakbang

Ika- 15 ng Setyembre taong 2015


     Napili ng  aming grupo ang SOS Children’s Village kung saan gaganapin ang aming adbokasiya. Ito ay matatagpuan sa Banay banay Lipa City. Sumulat ang aming grupo sa SOS Childrens Village na naglalaman ng aming adbokasiya at mga aktibidad na nais naming ipamahagi sa mga bata sa SOS Children’s Village. Nakasaad din sa sulat kung kalian namin balak gawin at kung ilang taon ang bata na nais naming turuan.  Nang makausap namin ang isa sa namumuno sa SOS Children’s Village nabanggit niya na hindi na daw nila tinatawag na bahay ampunan ang nasabing institusyon subalit tinatawag na daw nila itong bahay ng mga bata. Nang marinig namin iyon mula sa namumuno kami ay natuwa sa kung paano nila itinuturing ang mga bata sa SOS Children’s Village. Mula sa mga narinig namin mas lalo kaming naengganyo na mag patupad ng mga aktibidad upang makatulong kami sa mga bata mula sa SOS Children’s Village.

     Hindi nagging madali ang pag apruba nila sa aming sulat sa kadahilanang maraming mga sulat at aktibidad pa ang nagiintay sa mga bata. Hindi naman iyon nagging masama sa aking pakiramdam dahil  lubos ko naming naisip na marami pa palang tao ang gusting tumulong sa mga bata na halos wala ng magulang.

     Nakakatuwang isipin na may mga tao padin gaya ng mga tauhan sa SOS Childrens Village na walang inisip kundi ang kapakanan at kasiyahan ng mga bata. Sa mga oras na ito naisip ko na hindi talaga kami nagkamali sa aming piniling adbokasiya.

 

Kasiyahan

Ika- 19 ng Setyembre taong 2015


     Naaprubahan ng namumuno sa SOS Children’s Village ang aming sulat. Lubos akong natuwa dahil makakamit ko na ang pagtulong sa mga bata na noon ko pang pinangarap. Hindi lamang ako ang nagalak subalit ang aking mga kagrupo din. Inumpisahan na namin ang aming plano sa pamimili ng mga kailangan para sa mga aktibidad. Namili kami ng mga panulat at mga papel na maaring gamitin ng mga bata.  Nagsulat kami sa isang malaking papel ng mga leksyon na ituturo namin sa mga bata. Namili din kami ng mga papremyo upang mas ganahan ang mga bata na making at makisama sa mga palaro at aktibidad. Nag ambagan din kami para sa kaunting meryenda ng mga bata. Na kumpleto na ang aming mga kailangan at handa na kami na makilala at salubungin ang mga bata.

Pagkamit sa Layunin

Ika – 20 ng Setyembre taong 2015

     Ang aming adbokasiya na “Mga Nalalaman sa ating Wika at Kultura, Ipamahagi sa mga Batang laking Bahay-Ampunan” ay aming naipatupad. Araw ng linggo ng magpunta kami sa SOS Children’s Village na matatagpuan sa Banay banay Lipa City. Nakilala namin ang mga bata na balak naming turuan at bigyang pansin. Mga pito hanggang siyam na gulang ang bata na aming nakilala. Naging mahiyain ang mga bata subalit alam namin na sa umpisa lamang iyon mararamdaman ng mga bata. Nagsimula ang gaming aktibidad bandang tanghali, 1:00 pm at nagtapos naman saktong 4:00 pm. Tinuruan namin ang mga bata pagdating sa kasaysayan at wika ng bansang Pilipinas. Hindi nagging mahirap ang pagtuturo sa mga bata dahil lahat sa kanila ay nakikinig ng mga mabuti at halata na sila ay interesado na matuto pagdating sa ating bansang Pilipinas. Natutunan nila ang mga pinanggalingan ng wika lalo na ang mga nasabing teorya ng wika pati na din ang gamit ng wika.
     
     Matapos ang gaming pagtuturo sa mga bata nagkaroon kami ng ilang palaro gaya na lamang ng Pinoy Henyo at pati na din ang mga grupo grupong palaro kung saan silay magbubuo ng mga larawan na may kaugnayan sa bansang Pilipinas. Lubos ang saya sa muka ng mga bata. Nakakatuwang pagmasdan at isipin na natututo sila at nagsasaya kahit na sa saglit na oras lamang. Binigyan namin ng mga papremyo ang mga batang nanalo sa aming mga palaro. Lubos ang pasasalamat nila sa amin. Ang mga batang dating mahiyain ay mas nagging malapit na sa amin.

     Pagkatapos ng ilang mga palaro ay nagpakain na din kami sa mga bata. Naghanda kami ng mga tinapay at inumin para sa mga bata. Mukang nagutom ang mga bata sa mga aktibidad at palaro pero nakita din naman namin sa kanilang mga muka ang pagkatuwa. Alas kwatro na ng matapos ang aming programa.  Namaalam na kami sa mga bata at namigay ng ilan pang mga papremyo. Halo halo ang pakiramdam na naramdaman namin matapos ang programa. Napakasaya sa pakiramdam na makita silang masaya. Subalit nakakalungkot rin dahil iiwan na namin sila. Inisip na lamang namin na hindi man siguro bukas pero paniguradong mauulit muli ang ganitong pangyayari sa aming buhay. Nawa ay magkatagpo tagpo ulit kami ng mga bata at naway nasa isip at puso pa din nila ang aming itinuro pagdating sa kasaysayan at wika ng bansang Pilipinas.

Tagumpay


Ika – 20 ng Setyembre taong 2015



     Naging matagumpay ang aming adbokasiya. Napakasaya dahil hindi lamang kami nakapagturo at nakatulong subalit nakapag pasaya kami ng mga bata kahit sa saglit na oras lamang.  Alam namin na nakatulong ang programa na ito sa mga bata sa bahay ampunan na aming tinuruan. Mas  naintindihan nila ang wika maging ang kasaysayan nito. Maari nilang magamit at pagyamanin ang mga kaalaman na kanilang natutunan sa amin. Magsisilbi itong gabay sa kanila upang mas maunawaan pa ang wika at kultura ng mga Pilipino. Nakatulong din ang programa na ito para sa amig mga magaaral  dahil mas naunawaan pa namin ang tunay na kahalagahan ng wika sa ating mga Pilipino. Mas lumawak pa ang aming kaalaman pagdating sa wikang Pilipino. Hindi lang kaalaman ang aming nakamit sa programa na ito subalit maging ang mabuting pakikisama namin sa ibang tao. Sa programa na ito ay natututo kaming mga magaaral na makisama at umunawa sa kakayanan ng  ibang tao lalo na sa mga bata. Malaki din ang naitulong nito sa ating bansang Pilipinas. Mas nakilala pa ng ibang tao lalo na ng mga batang Pilipino ang kahalagahan at kultura ng Pilipinas. Lalong nabigyan ng importansiya ang Pilipinas at ang wika nating mga Pilipino.



Mga tao sa likod ng Adbokasiya

Silva, Margilyn
Mahinay, Charlemaine Israel
Hornilla, Lemuel Joseph

Tinawag naming Gunita Project Group and aming grupo sapagkat sa pagtuturo namin ng ating wika at kultura sa mga batang nasa bahay-ampunan, nabibigyang gunita ang mga mahahalagang bagay na bumubuo sa ating pagka-Pilipino tulad ng kasaysayan ng ating wika.

Ito ay aming proyekto sa KOMAKAD at aming malugod na isinusumite kay Propesora Evangline Moog sa De La Salle Lipa